Friday, March 16, 2007

Ang nakaraan..

Nagtake effect na ang daylight savings time dito nung last Sunday. Nasa work ako nun kaya okay lang at makakauwi ng maaga, yun nga lang kulang bayad ng isang oras, pero ayos lang. Tumaas na din ang temperatura (salamat po, Lord!) at halos nagmelt na ang snow sa paligid. Ang ganda nga ng klima lalo nung last weekend kaso, di ko na- enjoy dahil sleeping beauty ako at may trabaho sa gabi.
Pagkatapos na naglagare ng apat na gabi busy ang kabuhayan pa rin. Pumunta kami sa store para mamili ng mga epektos sa bahay at mega gulat ako na nakashorts and tshirt mostly ang mga kabataan!! Yikes!! Ganun sila katapang sa lamig ha!! At akala ko, acclimated na ko sa weather dito! Di pa pala!
May nahanap na din akong yaya para sa aking chikiting, actually 2 pa nga! Si S, 6 to 11 pm sya pwede, tapos may daycare center pa sya at the same time at may workers din. Si D, 7 to 5 lang sya, mukhang mabait, mas mura ang offer, may 3 alaga na parttime din na magkakapatid na mga chikiting, ok na sana kaso di sya pwede sa weekends at holidays, so kay D kami nagdecide pumunta. Sa Monday namin start ang chikiting namin. Medyo nininerbiyos ako, kasi first time ever ng baby ko na malayo sa amin at sa mga taong di kaano- ano mapunta! Sana okay ang magiging resulta. Ang worry ko lang eh yung nap time nya kasi kelangan may katabi sya bago sya makatulog, tapos iba ang sked ng nap time nya sa nap time ng daycare. So kanina, inistart ko na sya na 1 nap lang.
Nagsnow pala kagabi pero nung tanghali, tunaw ang snow. Yehey!! sana tuluy- tuloy na to at totoong spring na!!
Paos pa rin ang aking boses pero at least hindi na ako masyado bumubulong kaso inuubo pa rin na parang may tb. Hay naku, pangalawang beses na to na ako'y inubo sa taong ito! Sana last na to!
Yan lang muna at mag aalas dose na dito ng gabi! (Pero sa totoo, mag aalas onse palang!)Goodnight!

5 comments:

Anonymous said...

TH: Payo ko lang sa iyo, if you can avoid having 'CUTIE ONE' babysitted by anyone other than your immediate relatives, please do it!
(maybe certified and credible daycare centers is okay). Take good care of her..

TruBlue

transplantedmama said...

hay truBlue, wish ko lang andito relatives ko at relatives ng asawa ko pero wala eh, his mom is 7 hours drive away! parang baguio to manila! so the only option we have is daycare, credible naman daycare na to, may certificate (hopefully di nya kinuha sa recto!haha)ang worry ko lang baka apihin sya ibang kids kasi mellow lang ang baby ko.

Anonymous said...

Trust your instincts na lang..Flip ba may ari ng daycare?
By the way, if you read the Journal Centinel of Milwaukee, WI, the Senior VP of that Publishing Co. is the daughter of William Prill of Washington State and Baguio (Bill's mom is from Alab MP). Bill's an old acquantance of mine. You might want to introduce yourself to her. She's in BIGWIG and travels a lot all over america including Hawaii, lecturing and invited speaker to big media events. But she'll talk to you that's for sure. She's very girly also despite her late 30's demeanor. She speaks tagalog but not kankanaey maybe little. Mom is from N. Ecija. Goodhealth to you and cheers.

TruBlue

Anonymous said...

TH - on line eight: I mean "She's a BIGWIG"...

TruBlue

transplantedmama said...

nope, di Flip yung may- ari, rare ang Flip on this side of WI, I live closer to Minnesota(Twin Cities)than Milwaukee but thanks for that info anyway!